Gumagawa na ng paraan ang Department of Agriculture (DA) makaraang magdeklara ng newcastle disease outbreak ang Tarlac.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reaño.
Ayon kay Reaño, na-monitor na nila ito tatlong buwan na ang nakalilipas at kasalukuyan pa nilang inaalam kung anong uri ng newcastle disease ang tumama sa Tarlac.
Nilinaw din ng opisyal na hindi nakakahawa sa tao ang newcastle disease.
“Ang una naming ginawang hakbang, tiningnan namin ang mga manok na pinangggalingan ng nangamatay na yan, nag-ikot kami may mga report na sa amin, at nakakuha na kami ng isolate, nasiguro namin na ito ay new castle disease, kailangang ipaliwanag natin sa mamamayan na ang new castle disease po ay hindi nakakahawa sa tao, pangalawa hindi rin po ito puwedeng ipagbili sa palengke dahil makikita niyo na ika nga merong hemorrhage siya sa loob ng katawan ng manok, at makikita agad siya ng mamimili.” Pahayag ni Reaño.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita