Lomobo pa sa 507 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa election gun ban.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, sa naturang bilang, 490 rito ay pawang sibilyan; 2 police officers, 4 na government officials; 6 na security guards, 4 na empleyado mula sa law enforcement agency at 2 Cafgu.
Samantala, umaabot naman sa 304 ang nakumpiskang armas ng PNP, 3028 deadly weapons, 14 na granada, 12 replica ng baril, at halos 3,000 ammunitions.
By Meann Tanbio