Masayang ibinalita ng Department of Education (DepEd) na naging matagumpay ang unang araw ng early registration sa mga pampublikong paaralan sa elementary at high school para sa school year 2016-2017.
Kaugnay nito, nanawagan si DepEd Assistant Secretary Tonicito umali sa mga magulang na samantalahin ang pagkakataon na ipalista ang kanilang mga anak.
Huwag lang aniyang kalimutan ang ilang mahahalagang dokumento tulad ng birth certificate.
“Pag-kinder o grade 1 na papasok ang bata, 5 years old and 6 years old respectively ang gulang by June 2016, birth certificate po lamang an gating hinahanap, at pag hindi available okay din na i-submit yan later on during the school year, para sa ating mga out of school youth na nag-drop out at ngayon ay nais nang bumalik para mag-aral yung kanilang report card ay hahanapin din po natin bukod sa birth certificate, kung wala po yan that’s okay, ang grupo din po na ating inaasahan na magpatala ng maaga ngayon ay ang mga batang may special needs bukod sa out of school youth, incoming kindergarten at 1st grade.” Pahayag ni Umali.
By Meann Tanbio