Patay ang 65 katao sa pag-atake ng teroristang Boko Haram sa Nigeria.
Ayon sa ulat, sinunog ng militanteng grupo ang mga kabahayan sa komunidad ng Dalori at nagpasabog sa pamamagitan ng suicide bomber.
Sinasabing hindi makilala ang mga nasawing biktima dahil sa sunog na sunog ang bangkay ng mga ito.
Matatandaang noong nakaraang linggo, 12 naman ang nasawi sa pag-atake ng suicide bomber sa estado ng Borno.
By Ralph Obina
*Photo Credit: the guardian