Inaasahang masusundan pa ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis na rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Batay sa monitoring, sinabi ni LPGMA Partylist Representative Arnel Ty, na nagpapatuloy ang pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kayat posible aniyang magmura pa ang presyo ng LPG sa mga susunod na linggo.
Ngayong araw, nasa P37.00 ang itinapyas sa presyo sa kada tangke ng LPG.
“Meron po kaming tinitignan na hanggang saan yung kanyang sagad na maibababa, at sa pananaw po namin ay meron pa pong ibaba yan naka-depende na lang po yan doon sa production na sinasabi na manggagaling sa Iraq, yan po naman ay parang sa buong pandaigdigang pamilihan po ang naging effect, kaya tayo naman sa local market ay naapektuhan nito at nabiyayaan ng mababang presyo.” Pahayag ni Ty.
By Ralph Obina | Balitang Todong Lakas