Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Sub Committee ang pagsasampa ng kasong plunder at iba pang criminal charges laban kay Vice President Jejomar Binay at anak nito na si dating Makati City Mayor Junjun Binay.
Ito’y kasunod na rin mahigit 20 pagdinig ng komite hinggil sa umano’y overpriced na proyekto sa lungsod ng Makati.
Ayon kay Senador Koko Pimentel, Chairman ng Blue Ribbon Sub Committee, isinumite na niya sa senate plenary ang partial committee report kung saan nakasaad na nagkaroon ng plunder through grand conspiracy sa ilang proyekto.
Sakop ng imbestigasyon ang umano’y overpricing sa pagpapatayo ng Makati City Hall Building, Makati City Hall 2 Parking Building, University of Makati Nursing Building, Makati Science High School Building, at ang Makati Friendship Suites.
By Meann Tanbio