Nananatili pa rin ang P7.00 pamasahe sa jeep para sa unang apat na kilometro.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, Board Member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), wala pang balak na itaas sa P7.50 pesos ang pamasahe sa jeep at umiiral pa rin ang P7.00 minimum.
Ipinaliwanag ni Inton na provisional reduction lamang ang P7.00 pamasahe ngayon sa jeep kaya hindi dahilan ang kawalan ng taripa para hindi magbaba ng pamasahe ang ilang jeepney drivers.
“Kapag provisional reduction ang requirement lang sa batas ay publication in a general circulation, kaya ang fare matrix, nire-require lang po yan kapag permanente na po ang fare reduction.” Ani Inton.
Samantala, idinagdag ni Inton na malapit na rin desisyunan ng LTFRB ang petisyon para sa tapyas pasahe sa bus at taxi.
Nakatakda na aniya ang hearing nito sa February 10.
“Taxi at bus, malapit na po naming desisyunan yan, sa taxi po maganda po ang koordinasyon namin sa mga taxi operators, nagkakaroon nap o ng magandang agreement diyan, February 10 po ang nakatakdang pagdinig diyan.” Pahayag ni Inton.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas