Nananatiling magkaibigan at partners sa kalakalan ang Pilipinas at China sa kabila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Binigyang diin ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na mahigit 1,000 taon nang magkaibigan at magka-partner ang Pilipinas at ang China at dahil makalapit na bansa lamang ang dalawa ay hindi nila puwedeng talikuran ang isat isa.
Ayon kay Zhao, bagamat magkaiba sila ng pamamaraan, nagkakasundo naman ang Pilipinas at ang China na dapat maresolba sa mapayapang paraan ang pag-aagawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
By Len Aguirre | Allan Francisco