Hindi pa makakaupo sa kanilang bagong puwesto, ang limang bagong talagang ambassador, kasama si Foreign Affairs Spokesman Charles Jose.
Ito ay matapos harangin ni Senator Juan Ponce Enrile, ang kanilang appointment.
Sinabi ni Commission on Appointments (CA) Chairman Franklin Drilon, muling sasalang ang mga ito sa plenaryo, sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo.
Samantala, sinabi din ni Drilon na maaaring manatili sa puwesto sina COA Commissioner Isabel Dasalla – Agito at Civil Service Commissioner Nieves Osorio, kung palalawigin ang kanilang ad interim appointments.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)