Ibinasura ng korte ang reklamo ni Sunshine Cruz na child abuse at anti-violence against women and their children laban sa asawang si Cesar Montano.
Kakulangan ng probable cause ang batayan ni Quezon City Assistant Prosecutor Ferdinand Baylon sa paglagda sa resolusyong nagpapawalang-sala kay Cesar.
Ayon sa resolusyon, nabigo si Sunshine na magbigay ng matitibay na ebidensya sa umano’y kalaswaang ginawa ni Cesar sa harap ng kanilang mga anak na babae.
Ginamit na ebidensya ni Sunshine ang mga sulat ng kanyang anak tungkol sa nasabing insidente na naganap noong November 2014.
Sa reklamo ni Sunshine, nagresulta iyon ng distress, psychological, and emotional violence’ sa kanya at kanilang mga anak.
By Avee Devierte