Posibleng magsanib-pwersa ang Estados Unidos at Pilipinas upang magpatrolya sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito, ayon kay US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.
Gayunpaman, tumanggi si Goldberg na magdetalye pa hinggil dito dahil obligasyon naman, aniya, ng Estados Unidos na tiyakin ang freedom of navigation sa West Philippine Sea.
Samantala, nilinaw ni Goldberg na walang kinalaman ang Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA) sa ginagawang hakbang ng Estados Unidos sa tensyon ngayon sa mga pinag-aagawang teritoryo.
By Avee Devierte