Niratipikahan na ng Senado at Kongreso ang Customs Modernization and Tariff Act o CMTA.
Ang CMTA ay naglalayong i-computerize o gawing automated ang Customs and Tariff Administration upang mapuksa ang korapsyon.
Mula sa dating P10,000 ay itinaas din sa P150,000 ang tax exemption para sa mga balikbayan box.
Kapag napatunayan namang nagnakaw sa balikbayan box ang isang Customs employee o kaya’y nangikil ng pera sa mga OFW’s ay maaari itong makulong ng hanggang 12 taon at pagmultahin ng mula P500,000 hanggang P1 milyong piso.
Sinasabing pirma na lang ni Pangulong Noynoy Aquino ang kulang sa CMTA Law upang ganap itong maisabatas.
By Jelbert Perdez