Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa pamahalaan na tutukan ang pagpapakalat ng impormasyon laban sa pagkalat ng sakit dulot ng zika virus.
Ayon kay Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Healthcare, dapat paigtingin pa ng Department of Health (DOH) ang pagpapalaganap ng edukasyon hinggil sa naturang virus.
Hindi aniya sapat ang panatilihing malinis lamang ang kapaligiran para mawala ang pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala zika.
Hinihikayat din ng pari ang publiko na gumamit ng mga lehitimong insect repellant, magsuot ng long sleeves na damit at pantalon.
Dapat ding palitan ang mga tubig sa mga florera at itapon ang mga stagnant na tubig upang hindi pamahayan ng mga lamok.
By Jaymark Dagala