Nagbabadyang tumaas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong Pebrero.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng MERALCO, partikular na tataas ang singil sa generation charge.
Binigyang-diin ng MERALCO na anim na buwang ding sunud-sunod na bumaba ang singil sa kuryente.
Matatandaan noong nakaraang buwan, nasa P3.92 kada kilowatt hour ang generation charge, halos kasing baba lang ng generation charge noong January 2010 na nasa P3.91 kada kilowatt hour.
Nakatakdang ianunsyo ng MERALCO sa Lunes ang eksaktong pagbabago sa bill.
By Meann Tanbio