Umakyat sa 38 degrees celsius ang temperaturang naitala sa General Santos City kahapon.
Ayon kay Dante Ariola, Senior Weather Observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa lungsod, huling nakapagtala ng katulad na antas ng init sa GenSan halos 20 taon na ang nakararaan.
Sinabi ni Ariola na posibleng tumaas pa ang temperatura sa lungsod sa mga susunod na araw dahil sa El Niño phenomenon.
By Jelbert Perdez