Humihina na ang pwersa ng Islamic State.
Ayon ito sa White House batay sa nakalap nilang intelligence report.
Ayon sa mga opisyal ng Estados Unidos, patunay rito ay ang pagbaba ng bilang IS fighters na kasalukuyang nasa 25,000 na lamang mula sa dating 31,000 o katumbas ng 20 porsyento.
Ito ay dahil sa malaking bilang ang nalalagas sa panig ng IS sa tuloy-tuloy na pag-atake ng US led coalition kontra IS.
Gayunman, sa kabila ng paghina ng pwersa ay nananatili pa ring banta sa seguridad ang mga miyembro ng IS.
By Ralph Obina