Tataas ng P0.42 per kilowatt-hour (kwh) ang singil ngayong buwan ng Pebrero, ayon sa Manila Electric Company (MERALCO) matapos ang 9 na buwan na sunud-sunod na bawas singil sa presyo ng kuryente.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng MERALCO, nangangahulugan na P85 ang madadagdag na singil sa mga kumukunsumo ng 200 kwh kada buwan.
Maging ang transmission charges ay tataas ng P0.08 per kwh.
Sinabi pa ni Zaldarriaga na ang dagdag singil ay bunsod nang pagtaas ng generation charge noong nakaraang buwan dahil sa mga naka-schedule na maintenance shutdown ng ilang unit ng Calaca at Masinloc Power Plant.
Samantala, kinuwestiyon sa mababang kapulungan ng Kongreso ang nakatakdang pagtataas ng singil sa kuryente dahil ginagawa umano ito ng MERALCO kung kailan mababa na ang presyo ng langis.
By Mariboy Ysibido