Pinaalalahanan ni Health Secretary Janette Garin hinggil sa regular na paglilinis ng kapaligiran upang mawalan ng pamumugaran ang lamok.
Ayon kay Garin, ang lamok na nagdadala ng zika virus ay ang kaparehong lamok na pinagmumulan ng dengue.
Sinabi ni Garin na dahil hindi pa available sa merkado ang zika testing kits, makabubuting agad magpasuri sa doktor kapag dalawang araw nang nilalagnat o kaya ay may sore eyes.
Samantala, sinabi din ni Garin na mayroon nang naitalang 332 kaso ng microcephaly sa bansa sa loob ng 10 taon at hindi ito maiuugnay sa zika virus.
By Katrina Valle | Sapol Ni Jarius Bondoc