Nagpaabot ng pagbati ang Malacanang sa Filipino-Chinese community sa pagdiriwang ng kanilang lunar new year bukas, araw ng Lunes.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na bahagi ng pakikiisa ng gobyerno ang pagdedeklara ng Special Non-Working Holiday tuwing sumasapit ang Chinese New Year.
Ang Proclamation 295 na pinirmahan noong 2011 ay patunay ng pakikiisa ng mga Pilipino sa kultura ng mga tsinoy.
Hangad aniya ng palasyo ang maayos at matiwasay na selebrasyon kaakibat ang pag-sa para sa mas maayos at maunlad na buhay ng mga tsinoy sa bansa at sa buong mundo.
By: Aileen Taliping (patrol 23)