Pinagbabayad ng Korte ng mahigit kalahating milyong piso ang hairstylist na si Ricky Reyes matapos manalo sa kaso ang sinibak nitong empleyado na mayroong HIV o Human Immuno Virus.
Sa desisyong inilabas ni Labor Arbiter Joanne Hernandez laso ng National Labor Relations Commission, inatasan si reyes at ng kasosyo nito na magbayad ng mahigit P615,000 sa dating tauhan na si Renato Nocos para sa kanyang hindi nakuhang sahod, allowances, 13th month pay, separation pay at bayad sa abugado.
Inilipat umano si Nocos sa isang paluging branch ng parlor ni reyes matapos mabatid na may HIV ito at nang magsara ang saloon ay hindi na ito binigyan pa ng ibang trabaho noong 2014.
Bukod sa mga hindi naibigay na suweldo ay hindi rin umano binayaran ni reyes ang SSS at Philhealth contributions ni nocos simula magsimula itong magtrabaho noong 2003.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)