Tiniyak ng Kurdistan Regional government sa embahada ng Pilipinas na kanilang gagawin ang lahat upang maiuwi sa bansa sa lalong madaling panahon ang 13 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa sunog sa isang hotel sa Iraq.
Ayon kay Elmer Cato, Charge d’ Affaires ng Philippine Embassy sa Baghdad, karaniwang dalawang linggo ang kinakailangang hintayin bago ma-repatriate ang bangkay ng mga nasasawing Pinoy sa ibang bansa.
Pero magandang senyales aniya ang pagtiyak mismo ng Kurdistan Regional government para agad na maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng mga OFW.
Sinabi ni Cato na natukoy na ang pagkakakilanlan ng mga nasawing Pinoy at nabalitaan na rin ang mga kaanak ng mga biktima.
By Ralph Obina