Naitala ang pinakamababang unemployment rate sa bansa sa nakalipas na 11 taon.
Ayon sa SWS o Social Weather Station, pumalo sa 21. 9% ang average jobless rate para sa 2015 kumpara sa 21.4% sa huling quarter ng nakalipas na taon.
Naitala rin ang 25. 4% average jobless rate sa 2014 at pinakamababa naman sa rumehistrong 15. 8% unemployment rate noong 2004.
Nakasaad din sa fourth quarter survey na 45% ng mga respondents ang naniniwalang dadami ang mga trabaho sa susunod na 12 buwan, 27% ang tiwalang walang magiging pagbabago at 16% naman ang nagsasabing iilang trabaho lamang ang available para sa mga Pilipino.
Ang nasabing SWS survey ay isinagawa mula December 5 hanggang 8 at mayroong 1, 200 respondents.
By Judith Larino