Opisyal nang nagsimula ang 40 araw na paghahanda ng mga Katoliko para sa Semana Santa o Holy Week.
Sa pamamagitan ito nang pagsasagawa ng Ash Wednesday o Miercoles de Ceniza ngayong araw na ito kung kailan dumagsa ang mga Katoliko sa mga simbahan.
Batay sa turo ng simbahan, obligado ang mga Katoliko na mag-ayuno tuwing Ash Wednesday, Palm Sunday at Good Friday kung kailan lilimitahan ang mga luho at makamundong bagay at sa halip ay mas mabuti kung ibibigay ito sa kawanggawa.
Sa panahong ito rin hinihimok ang mga Katolikong mangumpisal sa lahat ng kanilang kasalanan at magnilay-nilay.
By Judith Larino