Inamin ni Congressman Edgar Erice na mababa ang ratings ni dating DILG Secretary Mar Roxas sa NCR o National Capital Region at bahagi ng Luzon.
Gayunman sinabi sa DWIZ ni Erice, Chairman for Political Affairs ng Liberal Party na tiyak na ang pag-angat ng ratings ni Roxas sa mga naturang lugar kapag nagsimula na itong mangampanya rito kasama ang Pangulong Benigno Aquino III.
Ito ayon kay Erice ay dahil maraming mga proyekto at programa sa NCR at Luzon ang naitaguyod ng administrasyong Aquino na maaaring ituloy ni Roxas.
“May maituturo eh na mga nagawa, na-accomplish na mga proyekto, mga programa, palagay ko yan yung key na mag-iisip ang mga tao na nga naman bakit hindi namin ito itutuloy itong nangyayaring ito sa ating bansa, may mga kakulangan pero sa mahabang panahon ay wala namang ganitong nangyari, bakit tayo magbabaka-sakali sa iba.” Pahayag ni Erice.
By Judith Larino | Karambola