Nabunyag na dalawang senador ang di umano’y nagkutsabahan para hindi maipasa ang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Mismong ang Pangulong Benigno Aquino III ang nagbunyag sa anya’y delaying tactics na ginawa ng dalawang senador upang tiyaking hindi matatapos ng senado ang pagtalakay sa BBL.
Tinukoy ng Pangulo ang anya’y hindi natapos na intepellation sa BBL sa huling sesyon ng Kongreso, dahil sa delaying tactics ng dalawang senador.
Dahil dito, umapela sa mga botante ang Pangulo na piliing mabuti ang mga iluluklok sa Kongreso at tiyaking may malasakit ang mga ito sa kapakanan ng sambayanan.
By Len Aguirre | Aileen Taliping (Patrol 23)