(UPDATED)
Naghihinanakit si whistleblower Sandra Cam laban sa ka-tandem ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Cam na inirereklamo niya si Vice Presidential Candidate Senator Alan Peter Cayetano dahil mistula aniya silang ginawang audience sa kanilang proclamation rally sa Tondo, Maynila.
Iginiit ni Cam na ang tanging hinihiling lamang nila ay fair treatment.
Si cam ay tumatakbong senador sa ilalim ng tambalang Duterte-Cayetano.
“We’re asking for a fair treatment here, wala kaming hinihingi kahit singko para pondohan an gaming candidacy, lahat poo kami gumagastos ng sarili namin because we want to serve.” Pahayag ni Cam.
Ayon pa kay Cam, hindi naman kung sinu-sino lamang ang mga kasamahan din niyang tumatakbong senador sa nasabing ticket at pinili mismo aniya sila ni Duterte.
“Secretary Rafael Alunan, General Santiago, Greco Belgica, the one who did yung sa DAP, Congressman Dante Liban, Ding Diaz a businessman, ako po at si Atty. Levi Baligod, tingnan mo yung mga mukha namin, kami ang lumalaban ng walang kapalit and we were been handpicked by our beloved Rudy Duterte.” Pahayag ni Cam
Idinagdag ni Cam na dati nang nakakatanggap ng cold treatment mula kay Senador Alan Peter Cayetano ang mga senatoriables sa ticket nila ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Bago pa man siya aniya umalma sa tila pagtrato sa kanila ng senador na mistulang audience sa kanilang proclamation rally noong Martes sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Cam, nakakapagsalita sila sa publiko kapag tanging si Duterte lamang ang kanilang kasama sa kampanya.
“Itong Vice President niya lahat po kami naka-experience ng cold treatment sa kanya even before the proclamation rally yung mga punta-punta namin kung saan-saan, pag kasama yan si Cayetano hindi kami nakakapagsalita pero pag si Mayor Duterte lang ang kasama namin sa pag-iikot, binibigyan talaga kami ng oras na makapagsalita dahil wala na nga po kaming pera, kailangan po namin ng exposure.” Dagdag ni Cam.
By Meann Tanbio | Judith Larino | Ratsada Balita
5 comments
kay duterte at cayetano pa rin kami para sa pagbabago, umeepal lang yan si sandra
wala papansin lng tong si sandra! DUTERTE?CAYETANO parin kami!
ayos lang yan senator, nag papapansin lang yan si sandra
Sige lang po sen alan, ikaw at ikaw pa rin ang susuportahan ko ngayon 2016 election
puro lang yan nagpapabida, dito na tayo sa magaling at maaasahan, tunay at tapat sa serbisyo. cayetano para sa pagbabago