Papalo na sa 500 katao na ang nasawi ngayong buwan sa opensiba ng kontra sa mga rebelde sa Syria.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, kabilang sa mga ito ang mga nadamay lamang na sibilyan gaya ng 23 mga bata.
Dahil dito, tumitindi ang panawagan ng ibat ibang malalakas na bansa na itigil na ng Russia ang walang habas na pag-atake ng Russia sa Syria.
Samantala, dahil sa kaguluhan , libu-libong Syrians ang nananatiling stranded sa border ng Oncupinar patungo ng Turkey.
By Ralph Obina