May forever para sa 73 porsyento ng mga Pilipino.
Ito ay batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS na ginawa noong December 5 hanggang 8 sa may 1,200 respondents.
Lumabas din sa survey na 16 percent ang naniniwalang ‘walang forever’ sa pag-ibig.
Marami naman ang nagsasabing may forever sa mga taong kasal kumpara sa mga live-in at single lamang.
Samantala, 51 porsyento naman ang nagsabi na ‘very happy’ ang kanilang lovelife, 38 porsyento naman ang nagsabing mas may isasaya pa ang kanilang buhay pag-ibig at 10 percent naman ang walang lovelife.
Kaugnay nito, sinabi ni Maribel Sison-Dionisio, isang relationship and parenting expert na marahil kaya may mga naniniwalang walang forever ay dahil sa bigo sa pag-ibig o kaya’y lack of love.
Payo ni Dionisio, kailangang sumailalim sa counselling at personal growth seminars upang mahilom ang sugat ng nakaraan dahil sa pag-ibig.
“Kailangan bigyan natin ang sarili natin ng pagkakataon para ihilom itong mga damdamin na ito kung nasaktan tayo noon at hindi lang siguro isang session minsan 3 to 5 session or may mga seminar din para maka-attend at mahilom ito one weekend.” Pahayag ni Dionisio
By Mariboy Ysibido | Meann Tanbio | Ratsada Balita