Patay ang 52 katao sa naganap na riot sa isang kulungan sa Monterey Northern Mexico.
Kinumpirma ni Nuevo Leon State Governor Jaime Rodriguez ang pahayag at sinabing 12 iba pa ang sugatan sa bilangguan ng Topo Chico matapos sumiklab ang karahasan sa pagitan ng dalawang magkaribal na pangkat ng mga preso na pawang mga drug cartels.
Ayon sa mga otoridad, kontrolado na ang sitwasyon at walang mga inmates na nakatakas.
Bumuhos naman ang mga pamilya ng mga bilanggo sa labas ng kulungan at umapela ng impormasyon sa labis na pag-aalala sa kanilang mga kaanak.
Naganap ang insidente ilang araw bago sabihin ni Pope Francis na nakatakda siyang bumisita sa isang kulungan sa Northern City ng Ciudad Juarez sa Mexico na kilalang lugar sa karahasan dahil sa mga drug cartels.
By Mariboy Ysibido
*Photo Credit: AFP