Inilabas na ng Inter-Agency Committee on Tobacco ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa implementasyon ng Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warning Law.
Sa ilalim ng batas, simula sa March 3 ay hindi na papayagan ang mga local cigarette manufacturers na mailabas ang kanilang produkto mula sa warehouse kung walang imahe ng masasamang epekto ng paninigarilyo.
Ganito rin ang itinakdang deadline para sa mga na manggagaling naman sa Bureau of Customs.
Pagkaraan ng 8 buwan o sa Nobyembre 3, ang lahat ng mga sigarilyo na ibebenta sa merkado ay dapat may graphic health warning.
Sakaling lumabag, ang mga manufacturers, importers at distributors ng tobacco products ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P500,000 sa first offense, at P1 milyong piso sa second offense.
Habang sa ikatlong offense, multa na hindi bababa sa P2 milyong piso o pagkakabilanggo ng hanggang limang taon ang parusa.
May posibilidad din na kanselahin ang business permit at lisensya ng isang business entity o establishment.
By Meann Tanbio