Hindi papayagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag do- donate o pagbebenta ng natitirang airtime ng isang kandidato sa kapwa nito kandidato.
Kasunod ito ng paglutang ng posibilidad ng pagsasabwatan ng mga national candidates at mga partylist group para makalusot ang paglagpas sa itinakdang airtime.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, itinuturing lamang na donasyon ng isang grupo ang pag-sponsor ng political advertisement ngunit ang oras na nakalaan ay hindi maaring ilipat sa ibang kandidato o partido.
Babala pa ni Bautista, ang mga magtatangkang guluhin ang patakaran ng komisyon ay malinaw na lalabag sa Fair Elections Act at ito ay may katumbas na parusa.
By Rianne Briones