Nakatakdang puntahan ng kinatawan ng konsulado ng Pilipinas sa Saudi Arabia si Ramil Deluna Lolong, ang Pinoy na nasugatan matapos tamaan ng bakal mula sa isang bombang sumabog noong Martes.
Si Lolong ay nagtatrabaho bilang welder sa isang construction company sa pagitan ng hangganan ng Saudi at Yemen.
Batay sa kuwento ng biktimang Pinoy, papunta sana siya sa banyo ng kanyang tinutuluyan nang tamaan siya sa braso.
Agad namang naisugod sa ospital si Lolong at ngayon ay nagpapagaling na.
Matagal nang pinoproblema ng mga OFW sa Yemen-Saudi border ang gulo roon dahil sa problema sa seguridad.
Nauna na namang tiniyak ng DFA na patuloy ang kanilang pagtutok sa mga OFW sa nasabing lugar.
By Allan Francisco