Bumagsak ang approval at trust ratings kapwa nina Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay sa pagsisimula ng taong ito.
Gayunman, lumalabas sa survey ng Pulse Asia na sina PNoy at Binay pa rin ang mayroong pinakamataas na ratings sa limang pinakamatataas na opisyal ng gobyerno.
Bumagsak sa 49% ang approval rating ni PNoy kumpara sa 55% na nakuha nito sa pinakahuling Pulse Asia survey mula December 4 hanggang 11, 2015.
Nasa 47% naman ang approval rating na nakuha ni Binay o limang porsyentong mas mababa sa nakuha nito nuong December 2015.
Nag-tie naman sina PNoy at Binay sa kanilang trust ratings na 45%.
Bumagsak ng 8 puntos ang trust rating ni PNoy kumpara noong December 2015 samantalang 4 na puntos naman ang ibinaba ni Binay.
Mayorya naman ng mga taga-Visayas at Mindanao ang nagtitiwala sa Pangulong aquino habang 41% naman ng mga taga-Metro Manila ang walang tiwala sa kanya.
By Judith Larino