Dalawang araw bago ang Araw ng mga Puso, mistulang ipinahiwatig kahapon ng aktres na si Angel Locsin na break na sila ng TV host na si Luis Manzano.
Ito ay makaraang tawagin nitong ex si Luis sa isang post nito sa Instagram.
Ipinost kasi ni Angel ang video ni Luis habang kumakanta at may caption na “on the eve of my neck procedure, i saw my ex singing ‘love yourself’ sa IG. Kung umiyak na kayo sa taong paulit-ulit kang sinaktan,”
Una nang inamin ni Angel na nagkakalabuan sila ni Luis bagamat inaayos aniya nila ang kanilang relasyon.
Matatandaang naghiwalay na rin dati ang magkasintahang Luis at Angel.
By Ralph Obina