Tinatayang 4,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa mga kumpanya ng langis sa Middle East ang hindi na pinagre-report sa trabaho.
Ayon ito sa PASEI o Philippine Association of Service Exporters Incorporated, pinakamalaking grupo ng accredited recruitment agencies sa bansa.
Sinabi ng PASEI na ang nasabing bilang ng OFW’s ay kumakatawan sa 15 porsyento ng kanilang mga kliyente at kabilang ang 50 Pinoy workers na nagtatrabaho sa isang kumpanya ng langis sa Saudi Arabia.
Ipinabatid ng PASEI na ang layoffs ay may kaugnayan sa pagbulusok ng halaga ng krudo sa World Market.
Kasabay nito, inihayag ng PASEI na kakaunting job orders lamang ang natanggap nila sa nakalipas na ilang linggo.
By Judith Larino