Ipinaubaya na ng Malacanang sa Commission on Elections ang pagharap at pagsagot sa pangamba ng publiko kaugnay sa mga nakikitang problema o “technical glitches” sa mgaa makinang gagamitin sa eleksiyon sa Mayo.
Kasunod na rin ito ng ulat na hindi siyento porsiyentong gumana ang mga makina matapos i-testing ng COMELEC.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Manuel Quezon III na ang COMELEC ang may responsibilidad sa pagdaraos ng maayos at mapayapang eleksiyon kayat kung may agam agam at pangamba ang publiko gayondin ang mg kandidato ay mas mainam na iparating agad ito sa komisyon.
Sa ganitong paraan ayon sa opisyal ay makarating agad sa COMELEC ang sentimyento at makagawa ng mga angkop na hakbang.
Binigyang-diin ni Quezon na ang COMELEC ay isang independent body kayat walang kapagyarihan ang palasyo na pakialaman ito.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)