Hiningi ng tambalang Vice President Jejomar Binay at Senador Gringo Honasan ang suporta ng isang religious group.
Partikular na rito ang mga miyembro ng Pentecostal Missionary Church of Christ o PMCC.
Nabatid na dumalo sina Binay at Honasan kasama ang ilang senatorial bets na sina Parañaque city Councilor Alma Moreno, Labor Lawyer Allan Montano, Broadcaster Rey Langit at dating Special Action Force Chief Getulio Napeñas sa Pentecostal Missionary Church 4th Watch Mega Manila Fellowship kahapon ng tanghali sa Imus, Cavite.
Pagkatapos sa Imus, agad na dumiretso ang una slate sa Dasmariñas City para sa isang motorcade.
By: Meann Tanbio