Nagsimula na ang dalawang araw na ASEAN – US Summit sa Sunnylands Estate sa California.
Kabilang sa mga tinatalakay sa unang araw ng summit ang promotion ng Innovative, Entrepreneurial Asian Economic Community.
Susundan ito ng working dinner kung saan pag-uusapan naman ang regional strategic outlook.
Mismong si US President Barack Obama ang sumalubong sa pagdating sa Sunnylands ng Pangulong Benigno Aquino III.
Inihatid pa ni Obama ang Pangulong Aquino sa lugar na pinagdarausan ng pulong bago ito bumalik sa pagsalubong sa iba pang mga pinuno ng ibat ibang mga bansa.
Ito na ang huling ASEAN Summit na dadaluhan ng Pangulong Aquino bago matapos ang kanyang termino.
Ilan sa mga ilalatag ng Pangulo ay ang usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea, peace process sa Mindanao gayundin ang pagpapatatag sa relasyon sa pagitan ng Amerika at ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
By Len Aguirre
*Photo Credit: govph