Inaasahang nasa 500,000 refugees ang dadagsa sa Germany ngayong taon.
Dahil dito, ipinag-utos na ni German Interior Minister Thomas de Maiziere sa Federal Office for Migration and Refugees at Federal Labor Office na paghandaan na ang inaasahang buhos ng mga migrante.
Noong nakaraang taon, nasa 1.1 milyong migrants ang kinupkop ng Germany dahil sa tumitinding kaguluhan sa Gitnang Silangan.
By Ralph Obina
*Photo Credit: REUTERS/FABRIZIO BENSCH