Papalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pwersa sa mga lugar na mainit ang labanan sa eleksyon.
Kasunod ito ng pagtukoy ng Commission on Elections (COMELEC) sa 6 na lalawigan na nasa election watchlist, ito ang Pangasinan, Masbate, Western Samar, Negros Oriental, Lanao del Sur at Maguindanao.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, ito ay para maiwasan kaguluhan na dulot ng halalan.
Siniguro ni Marquez na bago pa man magsimula ang election period sa lokal ay naka-puwesto na ang mga pulis.
By Rianne Briones