Apatnapung (40) pamilya ang nawalan ng tirahan ang sumiklab na sunog sa Sta. Cruz Maynila.
Ayon kay BFP Fire Marshal Superintendent Jaime Ramirez, nagsimula ang sunog pasado alas-7:00 ng umaga na umabot sa ika-apat na alarma.
Sinasabing nagsimula ang sunog sa ikalawang unit na tinutuluyan ng pamilya ng isang Mary Jane Bigcas.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga nakapalibot na bahay doon.
Tumagal ang sunog ng halos 2 oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero.
Tinatayang nasa P1.5 milyong piso ang halaga ng napinsalang ari-arian dahil sa naturang sunog.
By Ralph Obina