Muling ipinagpaliban ng Court of Tax Appeals Third Division ang arraignment para sa 12 bilang ng tax evasion cases na kinakaharap ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.
Ayon kay Atty. Ian dela Cruz, abogado ni Napoles, ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal sa kanyang kliyente matapos silang maghain ng motion to quash.
Binigyan ang prosecution panel ng 10 araw para maghain ng komento sa mosyong inihain ng kampo ni Napoles.
Itinakda na lamang ang susunod na hearing sa Mayo 4.
Kasalukuyang nakakulong si Napoles sa Women’s Correctional sa Mandaluyong City matapos mapatunayang guilty ng Makati City Regional Trial Court sa kasong serious illegal detention na inihain naman ng kanyang kamag-anak na si Benhur Luy noong April 2015.
By Meann Tanbio