Babawiin ng Toyota Motor Corporation, ang 2.87 milyong units nila sa buong mundo dahil sa posibleng problema sa seatbelts nito.
Ayon sa report ng Reuters, sakop ng global recall ng Toyota ang RAV 4 SUV model na ginawa sa pagitan ng July 2005 at Agosto 2014 na ibinenta sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Kanila din ire-recall ang Vanguard SUV model na ginawa sa pagitan ng Oktubre 2005 at Enero 2016 na ibinenta sa Japan.
Nagpasya ang Toyota na i-recall ang naturang mga units dahil sa posibilidad na masira ng metal seat frame ang seat belts nito kapag nagkaroon ng car crash.
By Katrina Valle