Ilalarga ng mga kumpanya ng langis ang tataas ang presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro mula sa P1.20 hanggang P1.40 ang itataas sa kada litro ng diesel.
Piso (P1.00) hanggang P1.20 naman ang inaasahang pagtaas sa presyo ng gasolina sa kada litro.
Habang P1.20 hanggang P1.30 naman ang itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Bunsod ng production freeze ng Iraq, Iran at Saudi Arabia ang panibagong pagtataas sa presyo ng krudo sa World Market.
By Jaymark Dagala