Sinamantala ng Global Port Batang Pier ang kawalan ng import ng Talk ‘n Text Tropang Texters.
Ito ay makaraang talunin ng Batang Pier ang Texters sa iskor na 109-101.
Nag-init ng husto si Terrence Romeo para pangunahan ang koponan ng Global Port kung saan ay kumamada ito ng 33 puntos.
Malaki rin ang naging ambag ni Batang Pier Import Calvin Warner na nakasikwat ng 11 puntos, 21 rebounds at 2 assists.
Ayon kay Batang Pier Coach Pido Jarencio, malaking bentahe sa kanilang panalo ang kawalan ng import ng Talk ‘n Text matapos mauspinde si Ivan Johnson.
New import
May napili na ang Talk ‘n Text Tropang Texters na bagong import.
Ito ay bilang pamalit kay Ivan Johnson na sinuspinde matapos bastusin ang PBA commissioner na si Chito Narvasa.
Ayon kay Team Manager Virgil Villavicencio, darating na sa Lunes ang bago nilang import na si David Simon.
Si Simon ay may average na 20.5 points, 8.9 rebounds kung saan huli itong naglaro para sa Seoul Knights sa Korean Basketball League.
Propesyonal ding naglaro si Simon para sa mga koponan ng Bulgaria, Russia, France, Serbia at Kazakhstan.
By Ralph Obina
Photo Credit: Tristan Tamayo/INQUIRER.net