Walang nagpakitang sinumang kandidato ngayong halalan na hindi graduate ng Philippine Military Academy (PMA) sa isinasagawang PMA Alumni Homecoming ngayong araw sa Baguio City.
Ayon kay Lt. Col. Reynaldo Balido batay sa hawak nilang registrations list walang sinuman sa mga honorary o adopted members na tatakbo sa darating na halalan ang nagparehistro para sa seremonyang ito ng PMA.
Sa mga regular members na kandidato sa halalan, tanging sina Senator Gringo Honasan, Senator Panfilo Lacson, ex-SAF Chief Getulio Napeñas at Cong. Leopoldo Bataoil lamang ang dumalo.
Sina Lacson at Honasan ay kapwa miyembro ng Class 71, habang sa PMA Class 76 naman kabilang si Congressman Bataoil at Class 82 si Napeñas.
Samantala, pinahintulutan na din ng PMA na makasama sa trooping the lines si Luli Arroyo Bernas anak ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa kabila ng naging pahayag ng PMA na hindi nila papayagang sumama sa parada ang lahat ng mga adopted members politiko man o hindi.
Paliwanag ng opisyal binigyan nila ng konsiderasyon ang dating presidential daughter dahil kabilang ito sa Class 91 na siyang grupo na binigyan ng Silver Jubilarians Award ngayong taon bukod kay Luli adopted member din ng Class 91 si Senator Grace Poe.
By Jonathan Andal