Kasado na ang preparasyon para sa isang linggong selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution .
Tema ng selebrasyon ay “pagbabago: ipaglaban ninyo, itutuloy ko” na nakatuon sa mga kabataang musmos pa nang maganap ang EDSA People Power Revolution noong 1986.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na mahalagang malaman at maunawaan ng mga kabataan ang kasaysayan ng EDSA kung saan sa pamamagitan ng kilos protesta ng libno libong pilipino ay natanggal sa kapangtyarihan ang diktadurya.
Inimbitahan ni Coloma ang lahat na magtungo at makilahok sa selebrasyon sa EDSA sa Pebrero 25.
By: Aileen Taliping (patrol 23)