Ikinalugod ng Malakanyang ang pag-apruba ng World Bank sa panibagong utang ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $450 million.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, patunay aniya ito ng pagkilala sa kahusayan ng pamahalaan sa pangangasiwa sa programang pang-mahihirap partikular ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4 P’s.
Hindi aniya magpapautang ang world bank kung hindi epektibo ang strategy ng gobyerno para mabawasan ang kahirapan sa bansa.
Sinabi ni Coloma na ang dagdag na ayuda mula sa world bank ay gagamitin ng gobyerno para mapalawig pa ang saklaw ng programang pang-mahihirap.
By: Aileen Taliping (patrol 23)