Matapos ang ilang taong pagiging on-screen partner at loveteam, kinumpirma na nina James Reid at Nadine Lustre na real life couple na sila.
Inamin ito ng On the Wings of Love stars sa ginanap na ‘JaDine in Love’ concert nitong Sabado.
“We’re now officially JaDine”, ani Reid.
Sinabi ng singer-actor na naging opisyal silang mag-on nitong February 11, 2016.
Kinilig ang mga fans nang mag-I Love You si James kay Nadine sa kalagitnaan ng isang performance sa kanilang concert, na sinuklian naman ni Nadine ng mga ngiti at mahigpit na yakap kay James.
Ani Nadine, na-surprise siya nang aminin ni James sa harap ng napakaraming tao ang estado ng kanilang relasyon, na una’y napagkasunduan nilang itago at maging private muna.
Pero tila hindi na natiis ni James na ihayag at ipagsigawan sa buong mundo na mahal nila ang isa’t-isa.
Wala namang pagsidlan ang saya ng JaDine fans na naghayag ng kanilang excitement sa social media para sa kanilang mga iniidolo.
Nakatakdang magtapos ang On The Wings of Love ngayong linggo.