Kontrolado na ang sunog na nagaganap sa liquefied petroleum gas (LPG) facility sa Calaca, Batangas.
Idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang ‘fire under control’, alas-12:55 kahapon.
Ayon kay BFP Assistant Regional Director Jerome Reaño, gumagamit na lamang sila ng tubig para sa cooling effect upang tuluyang maapula ang apoy.
Samantala, kinumpirma ni Reaño na may isang empleyado ng South Pacific Incorporated ang nasugatan sa insidente.
Patuloy aniya ang isinasagawang imbestigasyon upang alamin ang pinagmulan ng sunog.
Una nang nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng Calaca, Batangas ng state of state of emergency dahil sa insidente.
DOE
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Energy (DOE) sa nangyaring sunog sa LPG facility ng South Pacific Incorporated sa Calaca, Batangas.
Ayon sa DOE, ilalabas nila sa publiko ang resulta ng imbestigasyon sa oras na matapos ito.
Sa paunang ulat, sinasabing nasa commissioning stage ang pasilidad na sinasabing nagpo-proseso ng 7,000 hanggang 10,000 metriko toneladang LPG.
Kinakailangan dumaan sa testing at decommissioning stage ang isang LPG facility bago ito buksan para sa commercial operation.
Una nang nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng Calaca, Batangas ng state of emergency dahil sa insidente.
By Rianne Briones | Ratsada Balita